Pages



09 August 2011

Nora Aunor opens up about her relationship with John Rendez

photo from PEP.ph

Malayang i-knuwento ni Nora Aunor ang kanyang controversial na relasyon with rapper-actor John Rendez, na itinuturing nyang "special friend". What Nora was trying to say that through all these years, and through her ups and downs, John was always there for her. :)

"Oo naman," ani Guy.

"Ang gusto ko lang malaman ninyo, yung taong talagang dumamay sa akin doon [sa Amerika], walang iba kundi si John.

"At yun, ipagtatanggol ako kahit anong mangyari.

"Sapagkat napunta ako sa Japan na hindi ako pinasamahan ng kahit na sinong tao.

"May pangyayari na hindi pinasasama si John, sumunod talaga si John.

"Ang ginamit niya, yung kinita niya doon sa concert namin, sa Canada, para lang makita ako.

"Dahil kinabahan siya na baka may mangyari sa akin. Dahil talagang hindi ako nasamahan.

"Napakabuting tao [ni John], na hanggang ngayon, dumadamay sa akin kung ano yung hirap na dinaranas ko.

"Siya talaga yung maaasahan ko dun. Pag wala yun, pilay ako talaga," saad niya.

Uuwi nga ba si John, bagama't taliwas sa napabalitang matapos ang tatlong araw mula nang dumating si Ate Guy?

"Hindi ko alam kung talagang uuwi siya, pero nagbabago pa lang ng isip, e," sagot ng Superstar.

"Pero yun lang ang pakiusap ko talaga, para kay John... hindi ko boyfriend, hindi.

"Ayan, malinis [na statement] 'yan, ha!"

No comments: