Pages



10 September 2011

Princess Snell denies being preggy with Manny Pacquiao's child


Ngayong gabi, September 9 ay muling nag-trending topic sa Twitter Philippines si pound-for-pound king Manny Pacquiao.


Ito ay dahil sa napabalitang planong tumakbo ng Sarangani congressman bilang gobernador sa 2013 elections at bise presidente naman sa 2016.

Bukod dito ay napag-uusapan din ang tungkol sa isang blind item na kumakalat tungkol sa isang may asawang personalidad na nakabuntis daw ng isang young actress.

Ayon sa mga usap-usapan sa Twitter, ang tinutukoy ng blind item na ito ay si Manny raw at ang young actress naman daw ay ang Starstuck V avenger na si Princess Snell.

Kani-kanina lang ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono si Princess habang pauwi ito galing sa taping ng programang Startalk.

Hindi nagdalawang-isip si Princess na sumagot sa mga katanungan tungkol sa isyu.

Ayon kay Princess, "I didn't know [na pinag-uusapan na pala ako].

"Pagdating ko sa trabaho, sinabi na lang sa 'kin ng mga kasamahan ko na gano'n nga daw.

"It's not true," paglilinaw ng 19-anyos na host-actress.
Hindi rin lubos maisip ni Princess kung saan nagmula ang tsismis na ito.

"I have no idea. Noon, I got a text na random lang. Someone told me if I'm pregnant.

"Hindi ko naman pinansin kasi akala ko kalokohan lang.

"Then after, mga two, o three weeks ago, sinasabi sa kin na nasa FB [Facebook] na.

Ano sa tingin niya ang dahilan kung bakit pilit siyang inili-link kay Manny bagamat minsan na nitong nilinaw na wala silang ugnayan sa isang interview niya sa Startalk?

"Ewan ko. Siguro gusto nilang sirain si Manny or gusto rin nila akong sirain, kasi apektado din naman ako dito," saad niya.

No comments: